Dalawang taon na pala ang lumipas mula nang maganap ang interfaith rally sa Ayala. Kung saan dumalo kami (pero di umabot hahahaha...). Ikwento ko na lang ang karanasan ko.
Right: Bantayog ni Ninoy, may hawak na banner na may nakasulat na "GLORIA IS EVIL".
Ika-28 ng Pebrero taong 2008. Exams namin noon, nasa balita na ang gaganaping interfaith rally kinabukasan sa Ayala na dadaluhan nina NBN-ZTE star witness Jun Lozada, ex-president Cory Aquino at Joseph Estrada at marami pang ibang taga-oposisyon laban kay Gloria. Nagkayakagan kami ng aking kaibigan at kaklase na si Jerome Dalwatan na sumama sa rally.
Kinabukasan, araw ng biyernes (Feb.29, 2008) ikahuling araw ng aming pagsusulit, napagkasunduan naming tumuloy pagkatapos ng exam. May mga niyakag pa kaming kaibigan ngunit hindi sila sumama, pero desidido talaga kami na ituloy ang pagpunta. Akala namin maaga kaming pauuwiin dahil exams nga, kaso hindi, inabot pa din kami ng hapon. Bandang 4:30PM naguwian, dumaan muna kami sa kanilang bahay para kumuha ng pera pati na din ng sako, at sumunod sa aming bahay. Sakto, may pinturang naiwan ang mga estudyante sa NSTP ng nanay ko. Nakagawa kami ng dalawang banner gamit ang sako at asul na pintura. Isang banner na may katagang "GLORIA RESIGN" na may arrow na nakaturo sa baba, at isa pang banner na iginuhit ko ang muka ni Gloria (mukang emo si Gloria sa drawing ko gawa ng buhok haha). Naghalungkat ako sa bahay ng maibabaon naming pagkain, dalawang Fita, dalawang Fudgee bar at dalawang bote ng malamig na tubig. Ayos na yun! :D
Sinimulan na namin ang paglalakbay, maghihitch lang kami dahil tipid kami sa pera, kaso ang hirap makasakay kaya napagdesisyunan nameng mamasahe na lang. Nung pasakay na kami, hindi kami pinansin nun bus. Akala siguro wala kaming pambayad kasi nakita nila kaming namamara ng mga pampribadong sasakyan. Dinedma nila kmi. Hmp! Sa kabutihang palad, may sasakyang nagsakay sa amin. Kaso, hanggang Tanza lang sila kaya hanggang don lang din kami ibinaba. Saktong pagbaba namin, nakita namin yung truck na sumalpok sa gilid ng baby bus, nasabi ko kay Jerome, "Pare, masamang pangitain!". Mabuti na lang at walang kahit isang nasaktan sa naganap na salpukan. Sumakay na kami ng bus para ipagpatuloy ang nagmamadaling byahe. Malas. Masyadong mabagal yun bus at siksikan at dahil uwian din noong oras na yun, heavy traffic.
Madilim na ng makarating ang sinasakyan naming bus sa Bacoor (malayo pa ng konte sa SM Bacoor) at hindi na ito umusad. Masyado na kaming late, napapanood namin sa TV ng bus ang mga kaganapan sa Ayala, mukang di na talaga kami aabot. Nanghihinayang kaming tumuloy dahil baka wala nang maabutan pero gusto talaga naming makapunta kaya umabot man o hindi, tuloy pa din kami. Dahil mahaba-habang oras na din ang lumipas at hindi pa rin umaabot kahit sa SM Bacoor ang bus, napagdesisyonan naming bumaba na lang at maglakad hanggang sa lugar na wala nang traffic. Malayo-layo din ang aming nalakad, kung ilang kilometro din dahil lampas pa ng St. Dominic College ang nilakad namin. At doon, nakasakay na kami ng bus patungong Baclaran.
Gabing gabi na nang dumating kami sa Baclaran. Nakita namin ang dami ng mga taong na-stranded na pauwi na ng Cavite, at doon nabalitaan namin na pinaharangan pala ng barb wire ang daan (daan sa Bacoor na ruta ng Cavite-Manila, pero di ko alam ang eksaktong lugar) at yun din marahil ang dahilan kung bat hindi na nakaandar sa pwesto ang unang bus na nasakyan namin. Nagtaxi na kami hanggang Glorietta at naglakad patungo sa Lugar kung saan nagaganap ang kani-kanina lang ay pinapanuod namin sa TV na rally. Bandang 9:00PM kami nakarating. Ang tanging nadatnan lamang namin ay mga media na nagpapack-up, nagwawalis at mga guwardyang pakalat-kalat (parang erna HAHA).
Sayang ang punta. Pero ayos lang, masaya naman ang adventure na yun kahit nakakapagod. Matapos maglibot-libot, napagdesisyonan na naming umuwi na. Sa aming paglalakad ay may isang babae na may dalang camera at kinukuhanan ang eksena sa paligid. Hindi ko alam kung kinukunan nya kami habang naglalakad pero parang samin nakatutuok ang kamera kaya nagbiruan kami, "ayan kinukunan tayo". Hanggang sa paglampas namin ay samin pa din nakatutok, sabay tanong "Nagrally kayo?". Ayun, kami na nga yon. At eto ang video ng interview nya samen.
Nagpakilala siya samen na si DJ Gang, isa pala siyang DJ ng NU107. Alam ko ang NU107 na estasyon sa radyo pero dahil minsan lang ako makapakinig ng radyo, wala akong gaanong kilalang DJ. Ang bait nya, pinasabay nya pa kami sa sasakyan nya nung pauwi na kami.
Pasado ala-una na kami nakauwi. Umuwi kaming pagod na pagod, pero masaya. Dahil isa ito sa pinakamalupit naming karanasan. :)