Wednesday, February 24, 2010

Jollibee!

First day ko sa Jollibee. Unang araw ko din pumasok sa trabaho sa buong buhay ko. 6:00-10:00 PM ang time ko. Dahil masipag ako, bandang 6:36 pa lang ay nandoon nako :3 Sa counter ang station ko, medyo madali lang naman ang trabaho kailangan mo lang maging mabilis. Kaso yun nga, mabagal ako. Pero okay naman. Di pa ko nagtatagal sa pagkakatayo, tinanong agad ako ng manager kung nag-ahit ako. Di pa ko nakakapag-ahit. Isang beses pa lang ako nag-ahit sa buong buhay ko, at yun ay nung magPPHA pa lang ako sa jollibee, sinabi nya sakin magpagupit at mag-ahit daw. Miss ko na ang mala-chinese kong bigote e, di pa natubo ulit. T.T Ayoko pa yatang magshave.

Mukhang swerte ang unang araw ko, yun isang kasama ko nawalan ng cellphone. Di malaman kung sino ang kumuha. Sabi may suspek na. Ewan ko lang kung sino, baka ako yun suspek... Kung ako ang kumuha pala, kahit sarili ko di alam yon. Yun ang tinatawag na perfect crime! hahahaha. Bukod pa don, may nawala yatang P1000 mula sa kaha. Ewan ko, di ko naman maintindihan yung tungkol don. Basta parang ganon kasi eh.

Yung kantang natugtog, paulit-ulit nakakairita. Yun kay Justin Bieber, di ko alam kung ano title, yun jingle din ng jollibee pati yun Empire State of Mind ni Jay-Z. Yun Empire State of Mind lang ang okay eh. Sana pwedeng magsalpak ng iPOD dun para enjoy chickenjoy.

Ayoko ng duty sa closing, andaming ginagawa, andaming nililinis. Nung tapos na ang lahat sa kanya-kanyang gawain, kinausap kami ng manager. Ewan ko ba kung bakit parang galit yon. Masyadong seryoso ang moment na yon. Pero nabasag yon nung sumabat ako sa sinasabi nya. Sablay yata ang sagot ko... Secret na lang. Buti na lang tinawanan nya lang ako at di natarayan. =)

Halos mag 11:00 PM na ko naka-uwi. Medyo nakakapagod. Buti bukas rest day ako haha... Sa isang araw, closing nanaman. tsk! Ay, pasado alas-dose na. Jojo A. na ngayon, namiss ko manood nito. Paborito kong show to noong nasa QTV11 pa ito, kaso nun nalipat sa TV5 ay di na ko masyado nakakapanuod. Feb. 25 na din pala ngayon. Araw ng paggunita ng EDSA Revolution.
Happy birthday nga pala kay Lysa. :D

No comments:

Post a Comment