20th na araw ng Marso taong dalawang libo't sampu, maaraw na Sabado ng hapon, dumalo ako ng meeting ng counter crews ng Jollibee at pagkatapos ay naggala kami nila Keara at Lysa. Ang totoo dapat nasa Tagaytay sila ngayon. HAHA...
Alas-2 ng tanghali nang ako'y pumunta sa Jollibee para sa pagpupulong na tumagal ng halos dalawang oras. Bago yon, napagkasunduan naming maggala. Usapan namin ay umalis kapag malilom na, pero mukang hindi nalilom, nakakapaso pa din ang init ng araw e. Bandang alas-4 na, natapos na ang meeting, medyo mainit pa din. Pero nag-text si Keara papunta na daw sya, at sinabi nya na din kay Lysa na pumunta na. Sa labas ng Jollibee, doon ko sila hinintay. Unang dumating si Lysa, mga 10 minuto pa kaming naghintay at dumating na din si Keara. Nagpagasolina muna kami, P100 lang pultank na. :)) tapos don sa may tindahan sa Petron, bumili sila ng inumin, pati na din ng mga lollipop.
Di namin malaman kung san pupunta. Isa lang naman ang alam kong magandang galaan e, sa bundok! Haha... Umalis na kami, syempre dahan-dahan at maingat lang ang patakbo. Slowly but surely kumbaga. =)) Habang nasa daan ay kwentuhan kami, minsan sila lang. Medyo malayo din yun pero parang ambilis din namin nakarating, di kasi namin napapansin ang tagal ng byahe. Nang andun na kami, first time pa lang daw ni Keara makapunta don. Paakyat na kami, may baka na tumatawid, ambagal, nagpapansin yata hehe.. Hanggang don lang kami sa may guard house ng Puerto Azul, tumambay kami saglit don, pero ampanget ng view kaya medyo bumalik kami at naghanap ng pwesto. Nakakita na, tumigil ulit kami. Nagpicturan ng kaunte tapos maya maya ay nilagay ni Keara ang shades nya sa compartment ng motor, at aksidente nyang nasaraduhan nang nandon sa loob ang susi. Tsk! Di namin alam ang gagawin. Buti na lang, nang sinusubukan kong buksan ay nagbukas din bigla. HAHA... Di ko din maisip kung pano ko nabuksan e. Magic! LOL Ayun, may natutunan naman.
Lesson no. 1: Huwag pababayaan ang susi.
Medyo panget pa din yun pangalawang napuwestohan namin, kaya naghanap-hanap pa ulit kami ng iba pang spot. At ayun, don na kami talaga tumigil. Nagpicturan ulit, kwentuhan, soundtrip, lollipop, at nagtanaw-tanaw sa mga tanawin. Di ko maalala kung anong oras na yon. Basta ang taas pa din ng sikat ng araw. Maya-maya ay nagyayakag na si Lysa umuwi. Laging aporado haha..
Lesson no.2: Gamitin ang Gravity para makatipid ng gas. ;)
Gusto na umuwi ni Lysa, baka daw pagalitan siya di nya alam daw ang idadahilan. Tsaka sabi nya najijingle na daw siya haha... Sa Claro's namin naisipan tumigil at maki-C.R. Ayun ayos naman, success! Mabait yon mga tao don.
No comments:
Post a Comment