Eto na naman
Panahon ng tag-ulan
Di maiiwasan sa buhay nino man
Tulad mo rin ako
Isang pulo sa dagat
Na walang hanggan
Naghahanap ng masisilungan
Sa dinami-dami ng lugar
Ay dito pa nagkita
Gaano nga ba katagal
Ako’y tumatanda na
Pagkakataong tulad nito
Di dapat pinapalampas
Sabay nating harapin
Ang pag-asa ng bukas
Itaas ang kamay
At iwagayway
Masarap mabuhay
Itaob na ang tagay
Saan ka man pumunta
Meron man o wala
Diyan nagsisimula
Ang wasak na pagsasamahan
Pagkakataong tulad nito
Di dapat pinapalampas
Sa sakit na dinadala
Isa lang ang ating lunas
Itaas ang kamay
At iwagayway
Masarap mabuhay
Itaob na ang tagay
Saan ka man pumunta
Meron man o wala
Diyan nagsisimula
Ang wasak na pagsasamahan
Salamat:
http://menardconnect.com/2010/06/23/in-love-and-war-wasak-waltz-lyrics/
http://www.youtube.com/user/lyxial
No comments:
Post a Comment