MT. BATULAO
Nasugbu, Batangas
Jump-off point: Evercrest Golf Course, Nasugbu
LLA: 14.0408 N 120.8011 E 811 MASL
Days required / Hours to summit: 1 day / 2-4 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 4/9, Trail class 3 with 60-70 degrees assault
Day 1 (March 17)
8:00 AM ang call time pero lampas 9:00 na kami nakaalis. Napakainit ng oras ng trekking namin kaya nagpasya kaming magpalipas muna ng oras pagdating sa kubo na may duyan. Doon na nananghalian din. Natuwa kami don sa baril na sniper ni kuya kaya eto ang resulta:
le me sniper |
Matapos mapagod sa aming sniper photoshoot kami'y nagpatuloy nang maglakad. Saglit lang namin narating ang campsite.
Day 2 (March 18)
Bandang mga 6:30AM kami gumising para magsummit. 6 kaming nagsimulang umakyat, si Andox, Bupel, ako tsaka yun tatlo (isang babae, isang lalake at isang beki hehe peace!) mula sa isang grupo na kasama namin sa camp 1. Nasa camp 4 na yata kami nang yun babae nagdecide nang bumaba kasi baka hikain daw. Tapos camp 6 naman yata nang pati su Bukel bumaba na din, ang dahilan natatae na daw siya pero di naman! Bale apat kaming tumuloy sa summit. Ako'y umakyat lang naman summit dahil kay Bugle di naman siya tumuloy sayang.
Salamat dun sa mga nakasama namin sa camp 1, sinakay nila kami sa van nila hanggang Pala-pala. Mga taga - Las PiƱas sila. Salamat ho! :)
Etong climb na ito:
Perstaym na meron akong sariling documentation.
Perstaym kong matulog mag-isa sa tent.
Perstaym kong sumuka sa bundok.
Perstaym kong jumerbax sa bundok.
No comments:
Post a Comment