Tuesday, November 10, 2015

Museums and Galleries Month October 2015


October of every year is Museums and Galleries Month by virtue of Proclamation No. 798 s. 1991 signed by Pres. Corazon Aquino. The National Museum of the Philippines opens its doors for FREE to everyone for the whole month of October. 


Kasagsagan ng bagyong Lando, October 18 ng umaga, dumiretso ako sa National Museum sa may Ermita pagkalabas mula sa trabaho. Plano ko na ito after shift a week before, kaso walang bagyo kaya di ako tumuloy. Joke only, may iba lang kaming pinuntahan ng mga office mates ko.

Ang tanging masasabi ko lang ay bilang isang pinoy, karapat-dapat lang na pumasyal ka dito! Ilagay sa bucket list mo o sa kung anuman, basta pumunta ka dito. National Museum month man o hindi, may entrance fee o wala. Maliban lang sa araw ng Lunes, dahil lugi ka, sarado ito.

Una kong tinungo ang National Museum of Anthropology kung saan makikita ang mga cultural artifacts at fossils gaya ng mga lumang banga at tusks ng stegodon.



First time kong makakita ng tarsier, patay pa.

Bahagi ng Berlin Wall na inihandog ng Germany sa
Pilipinas bilang inspirasyon.

Metalcore \m/ haha


Sunod kong pinuntahan ang National Museum of Fine Arts kung saan makatawid lamang mula sa unang gusali na pinaroonan ko. Matatagpuan naman dito ang ibat-ibang artworks. Mga paintings at sculputures ng ating mga National Artists at mga bayani tulad nila Jose Rizal at Juan Luna.



How does Malang paint?

Oyang Dapitana - originally by Jose Rizal, while the other two
were made by Guillermo Tolentino and Isabelo Tampinco.

Mother's Revenge by Jose Rizal





Spoliarium. To be honest, ito marahil ang kalahati ng dahilan ng pagpunta ko dito. Dati ko pa ito gustong masilayan at makapagpa-picture kasama ito. Kaso sa kasamaang palad, wala akong maayos na litrato dito. Nakakatuwa ang unang sulyap ko dito. Mailalarawan ko na parang nakita mo si crush ng di inaasahan haha! Pumasok ako sa isang silid pagkatapos mag-register sa may lobby, tapos biglang, boom! Ayun ang painting ni Juan Luna na nagwagi ng gintong medalya sa Madrid.



Litrato w/ Spoliarium, ika nga ng tumama ng Super-Six,
better than nothing.

Hindi ako gaanong nakapag-tagal sa bawat gallery pagka't ako'y pagod pa, antok na. Pero sigurado naman ako na babalik ako dito. May kasama man o mag-isa ulit. Pero sana may kasama na, para magkaroon ako ng maayos na litrato sa Spoliarium hehe. At sa totoo lang habang naglalakad-lakad at natingin sa bawat gallery, naisip ko na may mga tao akong gustong makasama dito. 

November na pala. October pa dapat to e, medyo bisi-bisihan kasi ako. 2015 na pala, 2013 pa huling post ko.