Monday, November 14, 2011
14
Bigla namang bumanat si Jessica Soho ng "Pakikipaghiwalayan dinadaan na nga lang ba sa text o sa Internet!". Pucha hahahahahaha..... :'|
Tuesday, September 6, 2011
Sunday, June 19, 2011
Tuesday, June 14, 2011
Monday, March 7, 2011
Pico de Loro
Para sakin, ang pagakyat sa bundok na ito, bilang isang kabitenyo ay kailangan. Syempre, ang lapit na nga natin dito tapos tayo hindi pa naakyat ito eh di daig pa ng mga taga-ibang lugar na ilang beses na nagpabalik-balik dito. At sa wakas, nung isang araw nakaakyat na din ako. :) Ang tagal ko na gusto umakyat dun pero nun isang araw lang nangyari. Nakakatuwa pala umakyat ng bundok. Kung may pagkakataon lang, gusto ko ulit ito ulitin kahit sa ibang bundok naman.
Ang mga castaways:
Gian
Mau
Badong
Macoy
Wally
Dei
Francis
Vee
Boggs
Tamy
Pham
Tutoy
Jervin
Jazz
March 5 - ang aming akyat, 7:30AM call time pero mga 8:00 pasado na kami nakaalis mula sa kanto ng San Roque patungo sa jump off. Lakad hanggang camp 1. tapos nag elevator na papuntang base camp (jk). Sa araw na ito, nakaakyat kami sa peak 1, at sa peak 2 din (Wally, Gian, Mau, Badong at ako). yehey!
March 6 - ang aming pagbaba. Bago pababa, ay umakyat kami ulit sa peak 1. Tumigil pa kami sa falls (walls), naligo yun iba at doon na rin kami nananghalian. Pababa ay nahati kami sa apat na team at magkakasama kami nila kuya Wally, Francis, Dei at ako. Magkakasama din kami naligaw patungo sa anaconda's dungeon hehe. Malayo-layo na din ang nalakad namin bago namalayang mali na ang aming tinatahak. Salamat sa search and rescue team! =))
Masarap pala lahat ng pagkain pag nasa bundok ka.
Thanks sa mga sponsors:
Lemuel - bag
Jeremy - tsinelas at jogging pants
Porf- bonnet
at sa lahat ng tagasuporta lol

Peak 2 |
Shisha ng kaligayahan |
Gagambang Pico |
Ang aming team, bago maligaw |
Buong tribo |
Tanghalian sa falls (walls) |
Okey Gang! Peak 2 Photos, credits to: Wally Dispulo |
Sunday, February 20, 2011
176th Day.
February 14, 2011
Ang unang valentine na ako ay in love.
inaalala ko kung matatapos tong araw na to ng hindi kami nagkikita.
namimiss ko na sya..
nag-umaga..
nag-tanghali..
nag-hapon..
nag-gabi..
hanggang sa dalwang oras nalang ay matatapos na ang february 14...
magkatext kami, sabi nya wait raw habang ako naman ay may pinapanuod na movie. nakatulog ako habang nanunuod. nagising ako ulit, kala ko nun ay gabing-gabi na dahil nga nakatulog ako saglit. wala padin syang text. ako na ang nagtext sa kanya, "?" nagreply sya, teka parin. tinanong nya kung anong oras ako matutulog. gusto ko na sana ipagpatuloy ang tulog ko, pero nakita ko sa relo na 9 palang. bumangon ako, nuod Mara Clara. sabi nya, wag muna raw akong matulog. intayin ko daw ang text nya. napaisip ako, hula ko pupunta sya dito sa bahay. pero habang magkatext kami, parang hindi pala... hanggang sa tinanong nya kung sino ang tao samin. tulog na lahat, sabi ko. ako nalang ang gising. pupunta raw sya sa amin, saglit na saglit lang. "hayyy salamat..." sabi ko sa sarili ko.
dumating sya sa bahay ng lampas 10 ng gabi..
iniabot nya itong mga to..
unang album ko ng Pupil, pangalwang bulaklak na natanggap ko sa buong buhay ko (at single flower padin..), at D.I.Y. card na baraha ang theme.

i love you so much din...
Monday, January 31, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)